Bakit mahalaga ang mga ito?
Mahalaga ang mga artifacts na ito sapagkat ito ang naging basehan sa paggawa ng mga makabagong bagay sa kasalukuyan. Tulad ng cuneiform, na naging basehan sa modernong pamamaraan ng pagsusulat natin ngayon. Tinutulungan din tayo ng mga ito upang mas makilala pa natin ang ating nakaraan. Ang mga artifacts ay bahagi rin ng ating kasaysayan. Kung wala ang mga ito, maaaring hindi mabuo ang mga kabihasnang sumunod sa Sumer, Indus, at Shang na nagsilbing tagabuo ng kasalukuyang Asya.
Paano natin mapapahalagahan ang mga ito?
Kung mayroon mang mahuhukay o mahahanap na artifacts, dalhin natin ito sa mga museo upang mapreserve at makita pa ng susunod na henerasyon. Ibahagi natin ang ating mga kaalaman ukol sa mga ito upang malaman din ng iba ang kasaysayan ng Asya.
Isang pangkat ng mga ika-pitong baitang na mag-aaral ng ZNNHS na naglalayong ipalaganap ang kasaysayan ng Asya. [(Mga miyembro) Tagab, Dano, Manago, Adrias, Perez]
Sabado, Nobyembre 5, 2016
Sila ang nag-imbento sa Cuneiform, ang kanilang sistema ng pagsulat. Isa rin ito sa unang sistemang nabuo sa pagsusulat.
Sila ay sumamba at naniwala sa mga diyos na nakatira sa mga templong tinatawag na Ziggurat. Sinasabing ito ang basehan ng ibang relihiyon dahil ang iba ay may paniniwala ring nakatira sa mga templo ang kanilang mga diyos.
Sila rin ang nag-imbento sa guong. Isang napakahalagang sangkap sa paggawa ng mga sasakyan sa kasalukuyan.
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)